Isinusulong ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang pagkakaroon ng 14th month pay ng mga empleyado mula sa pribadong sektor.
Sa press release ni Sotto nitong Linggo, Agosto 17, 2025, iginiit niyang malaki na raw ang ipinagbago ng gastos at pangangailangan ng mga Pilipino magmula nang naipasa ang 13th month pay noong 1976.
“After almost five decades, the needs and cost of living of every Filipino worker have drastically changed, thus it is high time that employees in the private sector receive their 14th month pay,” ani Sotto.
Saad pa ni Sotto, kung sakaling maipapasa ang 14th month pay, dapat daw na maibigay ang 13th month pay sa hanggang Hunyo 14 bilang kasabay ng pasukan na siyang sakto sa gastusin ng mga magulang. Habang ang 14th month pay naman ay hindi dapat lalampas hanggang Disyembre 24.
Samantala, may paglilinaw rin si Sotto sa pagpapatupad nito.
“The bill has exemptions for qualified employers so as not to burden struggling businesses as they are equally important for our economy,” saad ni Sotto.
Pasok naman sa ilalim ng kaniyang panukalang batas ang mga non-government rank-and-file employees, workers na saklaw ng Kasambahay Law, at mga empleyadong nakapagbigay na ng isang buwang serbisyo sa kaniyang pinapasukan.