December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Bea Borres, kumpirmadong buntis!

Bea Borres, kumpirmadong buntis!
Photo Courtesy: Screenshots from Bea Borres (YT)

Kinumpirma na ng social media personality na si Bea Borres na kasalukuyang nagdadalang-tao siya matapos sumailalim sa ilang tests.

Sa latest vlog ni Bea nitong Martes, Agosto 12, matutunghayan ang reaksiyon ng mga kaibigan niya nang matuklasang buntis siya.

At sa bandang huli ng vlog ay naging emosyunal si Bea. Humingi siya ng tawad sa sarili dahil hindi niya umano inisip na ganito ang mangyayari.

“But,” pasubali niya, “I’m just so proud of myself. Because kaya ko, kinakaya ko. You could be my biggest and greatest blessing that I could ask for in life.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Dagdag pa niya, “I promise you, and to everyone that gets to watch this in the future, that I’d really, really be the best mom.”

Samantala, lubos namang nagpasalamat si Bea dahil matapos niyang sumailalim sa non–invasive prenatal testing (NIPT) ay normal naman daw ang batang dinadala niya.

Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro ng intriga si Bea matapos niyang magpakita ng tiyan sa isa mga TikTok video niya. 

Ito ay para patunayang walang lamang bata ang sinapupunan niya at hindi siya nagpalaglag. 

MAKI-BALITA: Bea Borres nag-flex ng tiyan sa gitna ng 'buntis' at 'nagpalaglag' issue