December 14, 2025

Home BALITA National

PBBM, pananagutin mga sindikatong nasa likod ng sabungan

PBBM, pananagutin mga sindikatong nasa likod ng sabungan
Photo courtesy: Screenshot from RTVM

Isa sa mga nabanggit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ay ang tungkol sa mga krimen at sindikatong nasa likod ng mga sabungan.

Aniya, hindi palalampasin ng kaniyang administrasyon ang paghabol at pagpapanagot sa mga sindikatong nasa likod ng krimeng nagsasangkot sa mga sabungan.

Kahit daw makapangyarihan, ipinangako ni PBBM ang paghabol sa mga utak at sangkot, na bagama't walang direktang binanggit, ay patungkol sa mga nawawalang sabungero.

"Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot, sibilyan man o opisyal. Kahit malakas, mabigat, o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas," aniya.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Bukod dito, itutuloy rin ng pamahalaan ang operasyon kontra droga, dahil tila bumabalik na raw ito sa kasalukuyan.

"Tila nagbabalikan daw ang mga pusher, kaya patuloy ang ating mga operasyon laban sa mga drug dealer, big-time man o small-time," pahayag pa niya.

Matatandaang nasangkot sa isyu ng mga nawawalang sabungero ang negosyanteng si Atong Ang, matapos ang pag-expose sa kaniya ng whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan.

KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Pinabulaanan naman agad ito ni Ang sa isang media conference.