Naglabas ng bagong memorandum si House Secretary General Reginald Velasco hinggil sa pagkakaroon ng taunang red carpet area para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Lunes, Hulyo 28, 2025.
Ayon sa nasbaing inilabas na memo ni Velasco nitong Biyernes, Hulyo 25, mariing nitong ipinagbabawal ang pagkakaroon daw ng “fashion coverage” sa magagarang suot na damit ng mga dadalo sa SONA.
“The red carpet will be in place strictly for ingress and official protocol. There will be no stage ceremonies, fashion coverage or photo setups on the red carpet area,” anang memorandum.
Matatandaang isa sa mga inaabangan sa bawat SONA ng mga Pangulo ang mga nagtatalbugang damit ng mga asawa ng mga politiko at maging ng mga lider na dumadalo at imbitado sa nasabing okasyon.
Samantala, kaugnay naman ng dress code, nagbaba rin ng instruksyon si Velasco.
“Formal attire remains required. Members are encouraged to wear traditional Barong or Filipiniana, in keeping with the solomon tone of the occasion,” saad ng memo.
Dagdag pa nito, “Members are respectfully urged to avoid ostentatious displays and exercise discretion in their wardrobe.”