May 14, 2025

Home BALITA

Matapos maihalal, mensahe ni Yorme: 'Huwag tayong mag-away-away!'

Matapos maihalal, mensahe ni Yorme: 'Huwag tayong mag-away-away!'
Photo courtesy: Isko Moreno/FB

Nagpaabot ng maikling mensahe si incoming Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa kaniyang mga tagasuporta matapos ang kaniyang proklamasyon bilang bagong alkalde ng nasabing lungsod.

Sa kaniyang opisyal na Facebook page, nagpasalamat siya sa bawat botantenng nagtiwala raw ng boto sa kaniya.

“Maraming-maraming salamat po. I have no words but thanks to the people of Manila. I am grateful to each and every citizen of the City. With this overwhelming type of mandate, I really owe it to you. I will do my best to be a better Mayor of the City of Manila,” ani Isko.

Nanawagan din si Isko na iwasan na raw ang pagkakaroon ng tensyon sa paghupa ng nangyaring eleksyon noong Mayo 12, 2025.

National

PPBM admin, tanggap pagpasok ng 'tunay na oposisyon' sa Senado; 'pekeng oposisyon,' lalabanan!

“Nanawagan ako sa inyo, let’s start healing each other. Kung may hurtful words from them to us, and to you, I know, but let’s be a magnanimous victory,” ani Yorme.

Dagdag pa niya, “Huwag tayong mag-away-away. Let's move on with our lives. We must work together, because together, we can make Manila great again.”

Muling makakabalik sa puwesto si Isko sa Hunyo 30, matapos siyang makakuha ng 529,507 boto at talunin si incumbent Manila City Mayor Honey Lacuna na may botong 190,315.