May 13, 2025

Home BALITA National

Frontal system, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH

Frontal system, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang epekto ng weather systems na frontal system at easterlies sa bansa ngayong Martes, Mayo 13, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang frontal system, o ang pagitan ng mainit at malamig na hangin na nagdudulot ng mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, at Kalinga.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iral ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH

Bukod sa maalinsangang panahon, posible ring magdala ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa nasabing mga lugar sa bansa.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).