May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

2 poll watchers na' naki-shade' sa balota ng senior citizens, pakakasuhan ng Comelec!

2 poll watchers na' naki-shade' sa balota ng senior citizens, pakakasuhan ng Comelec!
Photo courtesy: Contributed photo

Posible umanong tuluyang makasuhan ang dalawang poll watchers sa Abra na nag-shade ng mga balota ng dalawang botante.

Sa panayam ng media kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nitong Lunes, Mayo 12, 2025, kinumpirma niyang kakasuhan daw ng komisyon ang dalawang poll watchers.

“Pinaalis na po yun, hindi na po sila naglilingkod sa loob ng presinto, pero, kinakailangang ipasama yung pangalan nila sa mismong minutes of voting upang karampatang sila ay makasuhan,” ani Garcia.

NIlinaw din niyang wala raw karapatan ang mga poll watchers na umasiste sa mga botante na tanging electoral boards lang ang maaring gumawa.

Eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon

“Wala pong karapatan, wala pong kapangyarihan at hindi po awtorisado ang mga watcher na maging asisto ng isang presinto. Ang pwede lang po mag-assist kung walang kasama yung mismong nakatatanda, yung mismong may kapansanan, yung mismong illiterate-ay ang electoral board members lamang ang pupwedeng mag-shade ng kanila pong mga balota,” anang Comelec chairman.

Matatandaang nakuhanan ng isang netizen ang ang aktwal umanong pag-shade ng dalawang poll watchers sa balota ng dalawang botantent umano’y nagpapatulong sa kanila.

Dagdag pa ni Garcia, “One to six years imprisonment po 'yan. Nakita naman po natin, wala po silang ligtas. Dahil naka-ID po sila at naka-tshirt na naka-green. And dalawa po sila na pinaalis mismo.”