April 30, 2025

Home BALITA

Bersamin, pinabulaanang ipinasisibak na si HS Romualdez sa puwesto

Bersamin, pinabulaanang ipinasisibak na si HS Romualdez sa puwesto
Photo courtesy: MB file photo at Martin Romualdez/FB

Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang kumakalat na umano’y memorandum na sisibakin na raw sa kaniyang puwesto si House Speaker Martin Romualdez. 

Sa pahayag na inilabas ng Office of the Executive Secretary nitong Miyerkules, Abril 30, 2025, tahasan nitong iginiit na pawang pagpapakalat lang daw ng disinformation ang nasabing memorandum na iniuugnay kay Romualdez.

“It has come to our attention that an internal memorandum purportedly issued by the undersigned as Executive Secretary and detailing a discussion of a survey presentation and hinting at a change in the leadership of the House of Representatives has been circulating on social media,” ani Bersamin.

Dagdag pa niya, “The Office of the Executive Secretary categorically denies the authenticity of said memorandum. Apparently the spurious memorandum is a blatant attempt to spread disinformation and to sow division in the ranks of the Administration candidates.”

Eleksyon

Sam Verzosa, pinutulan ng kable ng kuryente sa campaign sortie sa Tondo

Ipinababasura din ni Bersamin ang aniya’y malisyosong pagpapakalat ng nasabing impormasyon.

“It should be dismissed as the handiwork of malicious minds,” anang Executive Secretary.