April 19, 2025

Home BALITA

Sen. JV Ejercito, inalala dakilang sakripisyo ni Hesus

Sen. JV Ejercito, inalala dakilang sakripisyo ni Hesus
Photo Courtesy: JV Ejercito (FB)

Ginunita ni Senador JV Ejercito ang dakilang sakripisyo ni Hesus para sa kaligtasan ng buong sanlibutan ngayong Biyernes Santo, Abril 18.

Sa isang Facebook post ni Sen. JV sa mismong araw na binanggit, hiniling niyang magsilbing paalala ang banal na araw na ito.

“Nawa'y magsilbing paalala ito sa atin ng tunay na pagmamahal, kapatawaran, at pananampalataya.

Mapagpalang Biyernes Santo sa ating lahat!” saad ng senador.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Matatandaang Biyernes Santo ang araw kung kailan namatay si Hesus sa krus matapos ang pagpapahirap sa Kaniya. 

Kaya naman sa araw na ito ay nabuo ang mga paniniwalang tulad ng hindi na maaari pang maligo pagsapit ng alas-tres ng hapon kung kailan patay ang Diyos dahil mamalasin umano.

Ngunit ayon sa simbahan, tanging ang pagbabawas ng pagkain at hindi pagkain ng karne sa araw na ito ang kanilang itinuturo.

BASAHIN: 10 tradisyon sa Pilipinas tuwing Semana Santa

BASAHIN DIN: ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa wastong paggunita ng Semana Santa