April 19, 2025

Home BALITA National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque
Photo courtesy: Harry Roque (FB)/Freepik

Usap-usapan ang makahulugang Facebook post ng dating presidential spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque, patungkol sa "mga hudas."

Makahulugang tanong niya sa kaniyang post, Miyerkules Santo, Abril 16, "Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?"

Photo courtesy: Screenshot from Harry Roque (FB)

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Marami po sila ,Atty Harry"

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

"Nasa house of crocs"

"Sa panahon ngayon kung lahat ng kawani ng gobyerno na tumanggap ay mawawala mauubos kawani ng gobyerno baka walang matira"

"Too many to mention, atty. Basta, yong mga kampon ng Vangag na nasa posisyon, yon yon."

"Ang mga hudas ang bangag administration"

Sumakto ang tanong na ito ngayong Miyerkules Santo, araw ng paggunita sa sinasabing pagtanggap ni Judas Iscariote ng 30 pirasong pilak matapos ipagkanulo si Hesukristo. Si Judas ay kilala bilang isa sa mga 12 apostol ni Hesus sa Bibliya.

Matapos ang kaniyang pagkabigong makaipon ng kapatawaran, winakasan niya ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid sa leeg at pagsabit nito sa isang puno.

Hindi naglaon, si Judas ay naging simbolo ng pagiging "taksil" o "traydor."

BASAHIN: Taksil! Mga puwedeng gawin kung may 'Judas' sa buhay mo