April 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Robin ineendorso si Sen. Imee pero walang kinalaman si FPRRD, PDP

Sen. Robin ineendorso si Sen. Imee pero walang kinalaman si FPRRD, PDP
Photo courtesy: Screenshot from Imee Marcos (FB)

Nilinaw ng presidente ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na si Sen. Robin Padilla na bagama't ineendorso niya sina Sen. Imee Marcos at re-electionist Gringo Honasan, ay walang opisyal na endorsement ang partido para sa kanila gayundin ang kanilang chairman na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Facebook post ni Padilla, Linggo, Abril 13, personal na desisyon aniya ang pag-endorso sa mga nabanggit na kandidato sa pagkasenador.

"Mga kababayan at kapanalig, Wala pong kinalaman ang PDP LABAN sa aking PERSONAL na Pag endorso sa aking pinunong higit sa mapayapang rebolusyon Senator Gringo 31 at sa aking manang Şenator Imee 39. Ito po ay pansariling desisyon ko. Ito po ay walang kinalaman sa DUTERTEN, na Isinusulong ng aming Partido Political," aniya, na ang tinutukoy ay ang sampung senador na nasa kanilang tiket.

"Wala pong pormal na endorsement ng aming chairman FPRRD kay senator 31 Gringo at Senator 39 Imee kundi mula pa po sa aking Kabataan at artışta pa po ako."

Eleksyon

Larawan nina VP Sara, mag-amang Villar usap-usapan

"Iisa na ang hangad namin ni Sir Gringo 31 at ni Manang Imee 39 para sa Inangbayan."

"Tulad ng DUTERTEN silang 2 ay tapat sa Bayan at hindi nagbabago yun maging sinoman ang nakaupong Pangulo, pahayag pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Robin Padilla (FB)

Samantala, makikita naman sa official Facebook page ng senadora ang campaign video ng pag-endorso sa kaniya ng kapwa senador.