Ibinahagi ni Sen. Imee Marcos ang pagtaas sa kaniya ng kamay at pag-endorso ng kapwa senador at presidente ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na si Sen. Robin Padilla, sa kaniyang official Facebook page.
Mapapanood sa campaign video ang pag-iisa-isa ni Sen. Marcos ang nais niyang sabihin sa Mindanao kapag muli siyang nahalal sa pagkasenador, na nakaangkla sa kaniyang pangalang "IMEE."
Ang letrang I ay para daw sa "Imprastraktura," ang letrang M naman ay "Modernisasyon," ang unang letrang E ay "Elektrisidad," at ang huli at pangalawang letrang E naman ay "Ekonomiya."
Sa bandang dulo ng video, makikitang nagbungguan sila ng mga kamao na may tagline na "Tapat na Kaibigan, Tapat sa Bayan."
"Iboto si Sen. Imee!" saad ni Sen. Robin habang itinataas ang kamay nito.
Samantala, nilinaw ni Padilla na bagama't ineendorso niya sina Marcos at re-electionist Gringo Honasan, ay walang opisyal na endorsement ang partido para sa kanila gayundin ang kanilang chairman na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Facebook post ni Padilla, Linggo, Abril 13, personal na desisyon aniya ang pag-endorso sa mga nabanggit na kandidato sa pagkasenador.
MAKI-BALITA: Sen. Robin ineendorso si Sen. Imee pero walang kinalaman si FPRRD, PDP