April 09, 2025

Home BALITA National

VP Sara, nakauwi na sa Pinas!

VP Sara, nakauwi na sa Pinas!
Nagkita da Vice President Sara Duterte ken dati nga spokesperson ti presidente a ni Harry Roque iti International Criminal Court (ICC) idi Marso 14, 2025. (Ladawan manipud iti OVP)

Matapos ang halos isang buwang pananatili sa The Hague, Netherlands para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakasailalim sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC), nakauwi na sa Pilipinas si Vice President Sara Duterte, pagkumpirma ng Office of the Vice President nitong Lunes, Abril 7.

Ayon sa OVP, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyang eroplano ni Duterte nitong Linggo ng gabi, Abril 6, sa pamamagitan ng Emirates Airlines flight no. EK 334.

"The Vice President is expected to address any pertinent matters in the coming days," anang OVP na inulat ng Manila Bulletin.

Matatandaang noong Marso 12, 2025 nang dumating sa The Hague ang bise presidente, isang araw matapos maaresto ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dinala sa ICC.

National

Mensahe ni Honeylet sa nagpakulong kay FPRRD: 'Impyerno kayo!'

Noon namang Biyernes, Abril 4, nang sabihin ng bise presidente na handa na siyang bumalik ng Pilpinas dahil tapos na raw ang kaniyang trabaho sa The Hague hinggil sa pag-ayos sa legal team ng kaniyang ama.

MAKI-BALITA: VP Sara, handa nang bumalik sa Pilipinas: 'My task is done!

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC ang dating pangulo dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.