April 07, 2025

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: 1 Timothy 6:17

#KaFaithTalks: 1 Timothy 6:17

"Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan." - 1 Timothy.

Ang mundo'y madalas na lamang umiikot sa kayamanan at tagumpay. Ngunit ipinapaalala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng talatang ito na huwag tayong magtiwala sa mga bagay na panandalian lamang.

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kasiyahan sa yaman ng mundo bagkus ay sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng bagay—hindi lamang ng ating pangangailangan, kundi maging ng ating kasiyahan.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Mark 11:24