November 08, 2024

Home SPORTS

Lagot! Akari Chargers nagsalita na, bashers mananagot kaya?

Lagot! Akari Chargers nagsalita na, bashers mananagot kaya?
Photo courtesy: Akari Power Chargers (FB)

Binasag na ng Akari Chargers ang kanilang pananahimik tungkol sa mga intrigang bumabalot sa kanilang pagkapanalo kontra PLDT sa semi-finals ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Opisyal na naglabas ng pahayag ang Akari Chargers sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Setyembre 4, 2024, hinggil sa mga alegasyon at ilang banta umano sa kanilang koponan.

Ayon sa naturang post, iginiit ng Akari na bagama’t naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng mga emosyon mula sa kontrobersiya, hindi umano ito sapat para makatanggap ng mga banta at pananakot ang kanilang koponan.

“While we understand the passion and emotions that sports can evoke, there is absolutely no place for threats or intimidation in our spirits and society,” saad pa ng koponan.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Bagama’t kinumpirma rin nila ang patuloy na pagsipot nila sa finals ng PVL, nakahanda na raw silang gumawa ng hakbang upang maprotektahan ang mga indibidwal na bumubuo sa kanilang koponan.

“The safety and well-being of our athletes, coaches and their families are our top priorities.We are coordinating with the proper authorities and taking immediate action to ensure their protection,” dagdag pa nito.

Samantala, tila mainit pa rin sa mata ng volleyball fans at patuloy na inuulan ng batikos sina Akari players Ezra Madrigal at Ivy Lacsina na hanggang ngayon ay iniintriga sa pagkatalo ng PLDT High Speed Hitters.

Matatandaang si Madrigal ang contested player mula sa Akari na siya umanong nag net-touch sa crucial match ng Akari at PLDT ngunit hindi tinawagan ng referee. Mas umusbong din ang isyu sa umano’y pag-repost daw ni Ivy Lacsina sa TikTok ng isang videong nagpapatungkol sa pagkatalo ng PLDT.

Ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 4, nakatakda ang knockout finals ng Akari kontra Creamline Cool Smashers na gaganapin sa PhilSports Arena, sa Pasig City.

Kate Garcia