November 23, 2024

Home FEATURES Trending

UPDATED NA BA ANG LAHAT? Mga pasabog na balita, tsismis nitong Agosto

UPDATED NA BA ANG LAHAT? Mga pasabog na balita, tsismis nitong Agosto
Photo courtesy: Olympic website, Inday Sara Duterte (FB), Sen. Risa Hontiveros (FB), Pastor Apollo Quiboloy (X) and Richard Gomez (FB)

AUGUST DUMP! TEKA, UPDATED KA BA?

Bukod sa Ghost Month, pagdiriwang ng Buwan ng Wika at iba pang national holidays, tila masyado ngang naging mahaba ang buwan ng Agosto dahil pinuno ito ng mga pasabog na balitang at tsismis na gumulat at kinagat ng sambayanang Pilipino. Mga balitang usap-usapan mula sa politika, pambansa, kalusugan, showbiz, at pampamilya. Kaya naman narito ang mga balitang tampok sa buong buwan ng Agosto:T

1. The Yulos at ang “Utang na Loob”

Hindi mapagkakailang kasaysayan ang inuwi ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos ang kaniyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics. Kasabay nga nito ay ang pasabog na rebelasyon ng pamilya Yulo tungkol sa hidwaan tungkol sa pera ni Caloy at ng kaniyang ina, na si Angelica Yulo. Hanggang ngayon ay mainit pa rin itong dinudumog ng mga netizens lalo na’t naging hati ang kanilang panig nang maungkat ang usapin ng “utang na loob” ng mga anak sa mga magulang.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Keyboard warriors nga ang eksena sa tila nagliliyab na comment sections sa tuwing nagkakaungkatan kung may obligasyon nga ba ang mga anak sa magulang? Ito kasi ang argumentong inikutan sa isyu ni Caloy at ng kaniyang pamilya.

Sa umano’y hidwaan ng mag-ina, hindi rin nakaligtas na makaladkad sa isyuang nobya ni Caloy na si Chloe San Jose. Naging laman ng samu’t saring intriga si Chloe matapos madawit ang kaniyang pangalan sa mga inilabas na pahayag ng nanay ni Caloy tungkol sa pagsasama ng dalawa. Bunsod nito, inulan din ng atake si Chloe ng mga komento batay sa kaniyang pananamit at pamumuhay at ang hindi maiwasang pagtali umano niya kay Caloy.

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo, 'di pa nakakausap ang anak simula nang manalo sa Olympics

KAUGNAY NA BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

KAUGNAY NA BALITA: Payo ni Dionisia Pacquiao kay Carlos Yulo: 'Mahalin mo ang nanay mo!'

2. ₱64 na meal plan ng NEDA

Mataas na ba ang presyo ng mga bilihin? May solusyon ang National Economic Development Authority (NEDA) para sa masa. Ayon sa ahensya, sapat na umano ang ₱64 para hindi madeklerang “food deprived” ang isang Pilipino. Umani ito ng samu't saring reaksiyon at hinamon ang ahensya na subukang mamalengke at ilabas ang mga pagkaing maaaring mabili sa nasabing halaga.

KAUGNAY NA BALITA: ₱64 per day food budget ng NEDA, nakakainsulto--Hontiveros

3. Holiday reduction sa Senado

Hindi rin nagustuhan ng taumbayan ang rekomendasyon ng Senado tungkol sa pagbabawas umano ng holiday sa bansa. Bunsod nito, maraming netizens tuloy ang sumagot dito at naglabas ng sarili nilang bersyon na bawasan din dapat ang “vacation leave” ng mga politiko. Kasunod nito, binigyang linaw naman ni Senate President Chiz Escudero na hindi isinasaad ng kanilang rekomendasyon na bawasan pa ang mga holiday sa bansa ngunit hindi na rin daw ito dapat pang madagdagan.

KAUGNAY NA BALITA: Heart, todo-tanggol kay SP Chiz sa isyu ng pagtapyas sa holidays

4. In heat at “ang urge”

Pinainit din ng isa pang argumento mula sa Senado ang ulo ng taumbayan tungkol sa usapin ng “sexual rights” umano sa panig ng isang mag-asawa. Sa isang Senate hearing kase, nabuksan ang usapin ng “marital rape,” kung saan ang tanong ni Sen. Robin Padilla ay umani ng mga negatibong reaksiyon.

“Hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e. So, halimbawa hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, papano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?” tanong ni Padilla

Mas kinainisan din ng marami ang sumunod pang hirit ng senador.

“So, paano? Mambabae ka na lang ba? Eh, di kaso na naman yun. Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?” dagdag pa ng senador.

Hindi rin nakaligtas ang isang Facebook post ng asawa niyang si Mariel Padilla, nang tila ginatungan niya at magpasaring sa bashers ng asawa. Sa isang litrato nilang mag-asawa kung saan makikita ang paghalik nila sa isa’t isa, nakalagay ang caption niyang “Oh may consent pa ‘yan ah.”

Nagkomento rin si Padilla sa naturang post at sinabing “Hello Babe, I’m in heat…”

Bunsod nito, humingi rin ng patawad ang senador matapos mag-viral ang mga argumento niya sa kasagsagan ng nasabing Senate hearing.

KAUGNAY NA BALITA: Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'

KAUGNAY NA BALITA: Mariel, kinuyog matapos ibalandra 'tukaan' nila ni Robin

5. 2020 version 2 Bulkang Taal at epidemya ng Mpox

Tila marami naman ang nataranta nang magsabay ang muling pagbubuga ng usok ng bulkang Taal na sinabayan ng kumpirmasyon ng Department of Health sa unang kaso ng Monkeypox (Mpox) virus sa bansa. Ayon sa mga netizens, ganitong eksena rin daw ang nasaksihan ng bansa noong 2020 kung saan ang pagsabog ng bulkang Taal ay sinundan ng magkakasunod na kaso ng Covid-19.

KAUGNAY NA BALITA: DOH, kinumpirma bagong kaso ng mpox sa 'Pinas

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, nagbabala sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal

6. Sexual Harassment sa Entertainment Industry

Ginambal din ng mga patotoo ni GMA Sparkle artist Sandro Muhlach at singer na si Gerald Santos ang kanilang rebelasyon bilang mga biktima ng sexual harassment. Sa Senate hearing ng Senado tungkol sa naunang pumutok na isyu ng umano’y rape kay Sandro Muhlach at dalawang independent producers na sina Jojo Nones at Richard Cruz, nabuksan sa pagdinig ang mga harassment ng ilan pang mga artistang pinagsamantalahan ng iba pang direktor at producers.

Matatandaang naunang humingi ng tulong ang kampo ni Sandro Muhlach matapos ang pananamantala umano sa kaniya ng dalawang producers sa noo’y katatapos pa lamang na GMA Gala. Sinundan ito nang pag-amin din ni Gerald Santos sa kaniyang naging karanasan kay Danny Tan noong siya ay 15-anyos pa lamang.

KAUGNAY NA BALITA: Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya

KAUGNAY NA BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso sa DOJ vs GMA independent contractors

7. Alice [Guo] in Wonderland

Ngayong buwan din ng Agosto nang kumpirmahin ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na si Alice Guo, ang itinuturong isa sa utak ng mga malakihang POGO operation sa bansa. Ang patuloy na imbestigasyon sa pagtakas ni Alice, ay nauwi sa pagkahuli ng dalawa niya pang kasama na natimbog sa Indonesia. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado si Shiela Guo, kapatid ni Alice at ang isa pa niyang Chinese national na kasamang tumakas na si Cassandra Li Ong na nasa kustodiya ng House of Representatives.

Hanggang ngayon, ay hindi pa rin tiyak ang kaniyang eksaktong lokasyon na umano’y nasa “golden triangle” lang daw sa pagitan ng mga bansang Laos, Myanmar at Thailand.

KAUGNAY NA BALITA: Lagot! PBBM sa pagtakas ni Alice Guo, 'Heads will roll!'

8. “Isang Kaibigan” ni VP Sara

Isa pang kaganapan mula sa Senado ang bumenta sa taumbayan sa kasagsagan ng budget hearing para sa 2025 ng Office of the Vice President. Nakuwestiyon ang hinihinging budget ng OVP na tinatayang nasa ₱2 bilyon. Lalong tumindi ang hearing kung saan iginiit ng Bise Presidente na ang ₱10 milyon dito ay laan niya sa isang libro na kaniya mismong isinulat na may pamagat na “Isang Kaibigan.” Bukod sa pondong laan para sa publikasyon nito, nakuwestiyon din ng Senado ang nilalaman ng librong pambata na hindi tila isang campaign material.

Sa mga nakalipas na pagdinig, ilang senador at mambabatas ang nakagirian ni VP Duterte. Sa kasagsagan ng Senate hearing, naungkat ang ilang kuwento ni Sen. Risa Hontiveros sa umano’y paglapit daw nito sa Davao noong mga nakaraang eleksyon. Nagpalitan din ng patutsada si VP Duterte at ACT Partylist Representative France Castro.

“Bakit nandito ito? ‘Di ba na-convict na ito sa child-abuse?” pasaring ng Bise kay Rep. Castro.

Samantala, tumugon naman dito si Casto at sinabing huwag maging katulad ng pusit si Duterte.

“Kapag nasusukol ang pusit ay naglalabas ng maitim na tinta. Ayaw natin na maging ganoon. Ang pinag-uusapan natin dito ay budget. Huwag naman pong mag-ugaling pusit ang Office of the Vice President,” tugon ni Castro sa isang panayam ng media.

Samantala, kaunay nito ay pinagkakatuwaan nga rin ngayon ng netizens ang salitang “Shiminet.”

Sa budget hearing pa rin kasi para sa pondo ng Bise Presidente, maka-ilang ulit tinanong ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas kung paano nga ba ginastos ng OVP ang ₱125-M na pondo nito. Ang mga naging tugon ng Bise ay kinagiliwan ng netizens.

“She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering,” saad ng Bise Presidente.

Dito na nga nabuo sa isipan ng netizens ang “shi-mi-net” mula sa pagkakabigkas ng Bise sa mga pahayag niyang, “she may not.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Dahil may nagsulsol?' Mga tanong sa budget hearing, parang pinersonal daw ni VP Sara

9. Hide and Seek ni KOJC founder Apollo Quiboloy

Bago nga magtapos ang buwan ng Agosto, ikinasa ng Philippine National Police ang kanilang operasyon upang personal na ihain ang warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy. Tinatayang nasa 2000 kapulisan ang bumarikada sa harapan ng Kingdom of Jesus Christ cathedral na nasa ika-8 araw na ng kanilang operasyon. Kasunod ng mga alegasyon ng mga miyembro ng KOJC, isa ang kumpirmadong nasawi sa operasyon.

KAUGNAY NA BALITA: PNP, tuloy pa ring hahalughugin ang KOJC compound—Abalos

10. Mon Confiado kinasuhan ang isang content creator

Tila natikman nga ng isang content creator ang bagsaki at tapang ng beteranong aktor na si Mon Confiado matapos siyang sampahan ng libel case.

Matatandaang isang viral post ang nakarating sa aktor na tungkol umano sa kaniyang asal sa isang grocery store na inilahad ni Ileiad sa kaniyang Facebook post. Sa buradong post, ikinuwento niya kung paano umano tila “nang-gangster” at magnanakaw si Confiado na personal umano niyang naranas pati na rin ng kahera ng isang grocery store. Ang naturang fake news ay tinawag ni Ileiad na “joke lang” na hindi nagustuhan ni Confiado.

Samantala, sa isang Facebook post din naglabas ng pahayag ang aktor tungkol sa kinasangkutan ng kaniyang pangalan.

“Nag-apologize pero hindi sincere. Sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”? Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere,” saad ni Confiado.

Tila wala rin daw umanong pagsisisi si Ileiad sa isyung kaniyang sinimulan nang walang katotohahan.

“At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama,” dagdag ni Confiado.

KAUGNAY NA BALITA: Mon Confiado, pinatulan content creator na pinalalabas siyang magnanakaw

KAUGNAY NA BALITA: Kinasuhang content creator, nagsisising binangga si Mon Confiado

11. Kabayan Noli De Castro, nakipagbardagulan on air

Hindi nagpahuli sa buwan ng Agosto ang tila pakikipagbardagulan ng batikang brodkaster na si Noli De Castro habang nasa ere ang kaniyang programa. Sa maka-ilang ulit na pagsaad ni Kabayan na kailangan ng lumabas ng lungga si Quiboloy, nagkagirian niya ang legal counsel nitong si Atty. Israelito Torreon.

“Remember attorney ho kayo, lahat ng attorney talaga ipagtatanggol kahit pa kriminal ang isang tao, ipinagtatanggol po ninyo 'di ba? I'm not talking of Quiboloy, pero kayong mga attorney ganiyan ang asal ninyo,” gigil na saad ni Kabayan.

Dumipensa naman ang abogado at sinabing nananatiling nagtatago ang kaniyang kliyente dahil raw sa posibleng banta na ipatapon siya sa Amerika kung saan nauna na siyang madiklarang “wanted” ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

KAUGNAY NA BALITA: Kabayan Noli, abogado ni Quiboloy nagbardagulan: 'Palabasin n'yo siya sa lungga!'

12.  Kobe at Kyline, nagkandungan

Pinagpiyestahan din ng mga netizens ang video at larawan ng “rumored” couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Agad na dinumog ng netizens ang comment section kaya naman naungkat din kung nakamove-on na nga ba ang aktres sa kaniyang ex na si Mavi Legazpi? Hindi rin naiwasan na muling mabuhay ang mga kuro-kuro ng netizens na tila tama nga raw umano si Carmina Villarroel, ina ni Mavi tungkol sa impresyon nito kay Kyline.

Sa video na kumalat kasi, makikita rin na may pahalik para si Kobe kay Kyline habang nakakandong ito sa kaniya sa tila videoke session nila.

Isang matapang na sagot ang binitawan ni Kyline sa mga netizens.

“What you see is what you get,” panonopla ni Kyline sa netizens sa isang panayam sa kaniya ng media.

KAUGNAY NA BALITA: 'What you see, what you get!' Kyline, walang dapat i-explain tungkol sa kanila ni Kobe

KAUGNAY NA BALITA: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

13. Si Goma at ang EDSA bus lane

Kinumpleto nga ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez ang listahan ng Agosto matapos niyang makuha ang gigil ng taumbayan mula sa kaniyang Facebook post.

Tila naubos kase ang pasensya ni Goma sa tindi ng traffic sa EDSA at ayon sa kaniyang post na ngayo’y burado na, ang rekomendasyong buksan na lang daw sa lahat ang EDSA bus lane.

“2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?!” ani Gomez.

“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” saad pa niya.

Ang nag-viral na post ay agad na umani ng samu’t saring reaksiyon sa mga netizens at hindi rin nakaligtas nang sagutin ito ni Atty. Chel Diokno.

“Ang mga kalsada natin ay para sa lahat ng tao, hindi lang para sa may sasakyan. Kailangan natin ng epektibong public transport na nirerespeto ang dignidad ng mga commuter,” ani Diokno.

“Ang solusyon, dapat sistematiko at makakatulong sa nakararami–hindi lang dagdag na space para sa kotse,” saad pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Richard Gomez nanggigil sa traffic, pinabubuksan ang bus lane

KAUGNAY NA BALITA: Chel Diokno, may suhestiyon sa himutok ni Richard Gomez hinggil sa traffic

Ano naman kaya ang bitbit na pasabog ng Setyembre? Abangan!

Kate Garcia