November 08, 2024

Home SPORTS

'Sweep sa Elimination Round' Akari, tinabla ang sariling franchise record

'Sweep sa Elimination Round' Akari, tinabla ang sariling franchise record
photo courtesy: PVL

Tinabla na ng Akari ang sarili nitong franchise record matapos ang malinis nitong kampanya sa buong elimination rounds sa 2024 Reinforced Conference, Martes Agosto 20.

Akari ang ikatlong koponan na naka-sweep sa elimination round sa kasaysayan ng Premier Volleyball League kung saan nananatili ang dominant record ng Creamline (5 time-sweep) at Cignal (1 record).

Pinada ng Akari ang Farm Fresh matapos ang 3-straight set win nito 25-29, 25-22 at 25-19. Pinangunahan ni American import Oly Okaro ang liderato ng Akari at nagtala ng 18 points.

Tinanghal namang best player of the game si Grethcel Soltones na may 15 points at 2 service ace. Hindi ininda ng Power Chargers pagkawala ang key players na sina Faith Nisperos at Fifi Sharma na kapwa nasa national team.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Sa papalapit na pagsasara ng elimination round nanatiling top 1 ang Akari sa team standing na may 8-0 record, na sinusundan ng HD Spiker na may 7-1 habang kapwa nag-uunahan pa rin ang PLDT at Creamline sa top 3 at top 4 na may 5-2 records.