Nagbaba ng direktiba ang US Department of State ng madaliang paglikas para sa lahat ng mga Amerikanong nasa mahigit isang dosenang bansa na apektado ng giyera sa Middle East.
Ayon sa inilabas na anunsyo ni State Department’s Assistant Secretary Mora Namdar sa kaniyang “X” account nitong Martes (araw sa Pilipinas), Marso 3, 2026, sinabi niyang ipinag-utos ni US Department of State Sec. Marco Rubio ang agarang paglikas ng mga Amerikano sa bansang apektado ng giyera sa Middle East.
Aniya, humanap o gumamit daw ang mga kapuwa nila Amerikano ng mga commercial transportation upang makaiwas sa panganib na maaaring idulot sa kanila ng giyera.
“The [Sec. Marco Rubio] [US Department of State] urges Americans to DEPART NOW from the countries below using available commercial transportation, due to serious safety risks,” mababasa caption ng assistant secretary.
Narito ang mga listahan ng mga bansang binanggit ng US Department of State na dapat na mabilis likasan ng kapuwa nila mga Amerikano:
Bahrain
Egypt
Iran
Iraq
Israel, the West Bank, and Gaza
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
United Arab Emirates
Yemen
Samantala, hindi naman na nagbigay pa ng karagdagang rason ang State Department hinggil sa kanilang ibinabang direktiba.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa US-Israel vs Iran: 'PH is not going to call for a ceasefire… but let me do it now if it will help!’
KAUGNAY NA BALITA: PNP, alerto sa posibleng banta sa sigalot ng US-Israel laban sa Iran
Mc Vincent Mirabuna/Balita