April 21, 2026

Home BALITA National

PBBM sa US-Israel vs Iran: 'PH is not going to call for a ceasefire… but let me do it now if it will help!’

PBBM sa US-Israel vs Iran: 'PH is not going to call for a ceasefire… but let me do it now if it will help!’
Photo courtesy: PCO, MB FILE PHOTO

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa publiko na hindi umano mananawagan ang Pilipinas ng “ceasefire” o tigil-putukan sa kasalukuyang sigalot na nangyayari sa pagitan ng mga bansang Estados Unidos at Israel laban sa Iran. 

Ayon sa isinagawang press conference ng Pangulo nitong Martes, Marso 3, 2026, sinabi niyang hindi daw parte ang Pilipinas sa mga nangyayaring giyera ng iba pang mga bansa. 

Ani PBBM, hindi raw mananawagan ang Pilipinas ng tigil-putukan dahil ang mga bansa o indibidwal na sangkot lang umano sa sigalot ang may kakayahang mag-utos o magmungkahi nito. 

“We are not a part of any of this. Of course we want the fighting to stop but [the] Philippines is not going to call for a ceasefire. The only people who can call for a ceasefire are those who are involved,” pagsisimula niya. 

Aniya, nagkaroon lang umano ng kaugnayan ang Pilipinas dahil sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) at iba pang mga Pinoy na nasa pinangyayarihan ng giyera ng mga nasabing bansa. 

National

Romualdez sa Ombudsman: 'Follow the rule of law and due process!'

“We are only involved, ‘tangentially,’ if you want to call it that because of our people who are there,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni PBBM, nakapagpaabot na umano sila ng suporta sa mga bansang inatake dahil sa alitan ng US-Israel laban sa Iran. 

“We have expressed support for the countries that have come under attack and we have made our feelings known that we hope crisis ends as quickly as possible,” saad niya. 

‘Ika pa niya, “We are asking, of course, for the continued assistance for the safety of our people.” 

Sa huli, tila kumambyo ang Pangulo nagawa niyang manawagan ng tigil-putukan sa mga nasabing bansa at pairalin umano ng mga ito pagpipigil sa paggawa ng dahas.  

“But let me do it now if it will help, let’s hope that there is a ceasefire and we, the Philippines, ask all parties to show restraint and to bring this to a close as quickly as possible,” pagtatapos ni PBBM. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Tigil-putukan, balik sa negosasyon!' Sen. Risa, nanawagan sa sigalot ng US-Israel vs Iran

KAUGNAY NA BALITA: PNP, alerto sa posibleng banta sa sigalot ng US-Israel laban sa Iran

Mc Vincent Mirabuna/Balita