December 22, 2024

Home BALITA National

DepEd, nakapagtala na ng higit 23M enrollees para sa SY 2024-2025

DepEd, nakapagtala na ng higit 23M enrollees para sa SY 2024-2025
photo courtesy: Noel B. Pabalate/MB

Umaabot na sa mahigit 23 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2024-2025.

Batay sa pinakahuling monitoring report ng Department of Education (DepEd), nabatid na simula noong Hulyo 3, mayroon na silang naitalang 23,340,101 enrollees.

Gayunman, ito ay mas mababa pa rin kumpara sa 27.72 milyong enrollees na target ng DepEd.

Nabatid na sa naturang bilang, 20,406,884 estudyante ang nagpatala sa public schools; 2,634,760 sa private schools; 37,868 sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) at 260,589 naman sa Alternative Learning System (ALS).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pinakamaraming nagpatalang estudyante sa Region IV-A, na may 3,380,170, kasunod ang Region III na may 2,470,220; Metro Manila na may 2,407,221, at Region VII na may 1,766,729.

Matatandaang Hulyo 29 nang magbukas ang klase sa bansa.

Tatanggap pa rin naman umano ang mga paaralan ng mga late enrollees hanggang sa Setyembre.

Una nang sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara, na hanggang noong Miyerkules ay 99% na ng mga paaralan ang nakapagbukas na ng kani-kanilang klase.