“I hope he gets the justice I was once denied of…”
Nagbigay ng reaksyon ang dating Kapuso singer na si Gerald Santos kaugnay sa isyu ng panghahalay umano sa baguhang aktor na si Sandro Muhlach.
Sa Facebook post ni Gerald noong Biyernes, Agosto 2, sinabi niyang hindi niya raw maiwasang maluha kapag iniisip ang sinapit ni Sandro sa kamay ng dalawang independent contractors ng GMA Network.
“Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya,” pahayag ni Gerald.
“My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family.. I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media. Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement,” aniya.
Dagdag pa niya: “But I will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice I was once denied of”
Matatandaang noong Agosto 1 ay nakatanggap na ng formal complaint ang GMA Network mula sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors umano ng naturang network.
MAKI-BALITA: GMA Network, nakatanggap ng reklamo mula kay Sandro Muhlach
Ito ay matapos lumabas ang isang blind item sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 30, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?
Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach. Lalong lumakas ang kutob nila nang magbahagi ng mga makahulugang post ang pamilya at kamag-anak ng aktor.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo kung saan tampok ang tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” ng dalawang TV executives.
MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist