November 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

Rep. Erwin Tulfo, wala pang balak tumakbo bilang senador

Rep. Erwin Tulfo, wala pang balak tumakbo bilang senador
photo courtesy: ACT CIS Partylist/FB

Bagamat isa si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa mga nangunguna sa 2025 senatorial survey, wala pa raw siyang balak tumakbo sa pagka-senador sa 2025. 

Sa isang panayam sa mga mamamahayag nitong Huwebes, nagpasalamat si Tulfo sa mga suportang natatanggap niya nang mapabilang siya sa mga 2025 senatorial survey.

"Of course, salamat for the trust and confidence. Maraming maraming salamat po sa tiwala," anang kongresista.

Dagdag pa niya, gusto niya ng reelection kaya't wala pa raw siyang balak tumakbo sa pagka-senador. 

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Matatandaang nangunguna sina Dr. Willie Ong, ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial survey na isinagawa ng Publicus Asia, Inc. na inilabas noong Biyernes, Hulyo 12.

Sa 2024 Second Quarter PAHAYAG survey, lumalabas na nakakuha ng 39% na voter preference si Ong, sinundan siya ni Tulfo na may 33%, at 32% naman si Duterte.

BASAHIN: Ong, Tulfo, Duterte mga nangunguna sa senatorial survey