February 25, 2026

Home BALITA National

₱17.5M Mega Lotto jackpot, nasolo!

₱17.5M Mega Lotto jackpot, nasolo!
(unsplash)

Nasolo ang tumataginting na ₱17.5 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng PCSO nitong Lunes ng gabi, Hulyo 8.

Matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning numbers na 36-25-19-37-07-11 na may premyong ₱17,567,700.60.

Habang may 40 lotto bettors naman ang makapag-uuwi ng tig-₱32,000 para sa second prize.

Samantala, walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 na ang winning numbers ay 34-22-46-43-33-28 at may katumbas na ₱82,749,085.40 jackpot prize. 

Upang makubra ang premyo, magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprinsinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs.

National

'Kung gaano ka-traffic ang EDSA, ganoon din ang pangakong reporma nito!' -Cendaña

Ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado naman ang Grand Lotto 6/55.