January 22, 2025

Home BALITA

Antique, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Antique, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Antique nitong Sabado ng umaga, Hunyo 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:21 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Tibiao, Antique, na may lalim na 5 kilometro.

Naiulat ang Intensity V sa Tibiao, Culasi, at Barbaza, ANTIQUE, habang Intensity III sa Bugasong, ANTIQUE.

National

Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Malinao, AKLAN

Intensity II - Pandan, ANTIQUE

Intensity I - Ibajay, AKLAN; Tapaz, CAPIZ; San Jose de Buenavista, ANTIQUE

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.