Tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa bansang Peru nitong Biyernes, Hunyo 28.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa baybayin ng Central Peru dakong 1:37 p.m.
Ito ay may lalim na 60 kilometro.
Samantala, wala namang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang naturang lindol.