Nausisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang social media personality na si Vince Flores tungkol sa plano nitong makipag-isang-dibdib kay Toni Fowler.

Sa latest episode ng “Toni Talks” kamakailan, sinabi ni Vince na bagama’t nape-pressure daw siya, tiyak naman daw na pakakasalan niya ang kaniyang partner.

“Nakaka-pressure pero one thing is for sure, magpapakasal talaga kami. Wala na akong ibang gusto pang babae. Si Toni lang talaga ‘yong papakasalan ko,” saad ni Vince.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Vince kung paano niya gustong makita bilang ama nina Tyronnia at ng kasalukuyang dinadala ngayon ni Toni.

Relasyon at Hiwalayan

Vince Flores, puro ang pagmamahal kay Toni Fowler

“Gusto kong makita nila na ‘wag nilang susukuan ‘yong partner nila sa kahit anong senaryo. Gusto kong makita nila ako na ‘yong daddy ko, never niyang iniwan ‘yong mommy ko,” pahayag niya.

“Never niyang hinayaan ‘yong mommy ko na mapunta ulit sa sitwasyon na naranasan niya before sa mga past niyang partner,” wika niya.

Dagdag pa ni Vince: “Gusto kong makita ng mga anak ko na ‘yong daddy nila ay nakasuporta sa mommy nila hanggang sa dulo. At kung anoman ‘yong maging desisyon niya, ando’n lang ako nakasuporta.”

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inilarawan ni Vince kung anong klaseng pagmamahal ang ibinibigay niya kay Toni.