Sa isang pahayag ng PAWS nitong Hunyo 19, mariin nilang kinondena ang pangyayari at pinuri ang lokal na pamahalaan ng Masbate sa maagap na aksyon nito.
“PAWS condemns this act of cruelty and wishes to commend the City Government of Masbate for taking quick action in the investigation of this crime,” saad ng ahensya.
“People responsible for this crime must be held accountable under The Animal Welfare Act. We are confident that Masbate officials are going to conduct a thorough investigation and file the necessary criminal complaints against the administrators of this zoo and the person directly responsible for placing the cat in the enclosure,” dagdag pa nila.
“People who are cruel to animals are those who are likely to commit crimes against other human beings. Stopping animal cruelty means ending violence in our society.”
Kamakailan, viral sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang pusa sa loob ng kulungan ng ahas. Makikita rin na nakapatong pa ang ulo ng pusa sa ulo ng ahas.
Nitong Hunyo 18, naglabas ng pahayag ang Masbate City Government kaugnay sa pangyayaring ito.
Samantala, ipinasara na ng lokal na pamahalaan ng Masbate ang naturang zoo dahil sa insidente.
BASAHIN: Private zoo sa Masbate, ipinasara dahil sa umano’y pagpapakain ng pusa sa ahas