Isinailalim ng Office of the Ombudsman sa preventive suspension si Bohol Governor Erico Aris Aumentado at 68 iba pang national at local officials kaugnay sa itinayong resort sa Chocolate Hills.

Inanunsyo mismo ni Aumentado na isinailalim sila sa six-month preventive suspension alinsunod sa kautusan ni Ombudsman Samuel Martires.

Tourism

Buhol-Buhol sa Bohol: Bakit napayagang magtayo ng resort sa Chocolate Hills?

Bukod sa kaniya, kabilang din sa suspensyon ang mga dating Bohol governor, vice governor, mayors, vice mayors, at mga barangay official. Kasama rin sa bilang ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Office of Civil Defense (OCD), at Philippine National Police (PNP).

Kung babalikan, nag-trending sa social media noong Marso ang Captain’s Peak Garden and Resort na itinayo sa Sagbayan, Bohol.

Makikitang sa top view ay kapansin-pansin nga ang resort na tila panira daw sa magandang view na puwedeng kunan ng larawan ng mga turista.

BASAHIN: Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag

Dahil dito, kinalampag ng mga netizen ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung may permit daw ba ang pagpapatayo ng resort.

Naglabas naman agad ng pahayag ng DENR, maging ang lokal na pamahalaan ng Bohol.

BASAHIN: Buhol-Buhol sa Bohol: Bakit napayagang magtayo ng resort sa Chocolate Hills?