Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo kung paano niya hina-handle ang mga basher nang kapanayamin siya ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda.

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Lunes, Mayo 27, sinabi ni Chelsea na bata pa lang siya ay lagi na raw siyang nakakatanggap ng hindi magagandang salita mula sa ibang tao.

“Bata pa lang ako kasi naba-bash na po talaga ako. ‘Yong parents ko lagi naman nila akong tinuturuan how I would to cope with it,” saad niya.

“So how do you do it?” usisa ni Boy. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Never listen to them [bashers]. Never let it get into your heart kasi maaapektuhan ka. Things will change, you know, if you let yourself affected do’n sa mga sinasabi nila,” sagot ni Chelsea.

“They would call me names, very harsh names na naapektuhan ako na I would look to myself hindi na ako maganda,” aniya.

Dagdag pa ng beauty queen: “So, everytime I would come home and cry ‘yon lang ang sinasabi ng mom ko. There will come a time your story will be heard and your beauty is what makes you unique.”

Matatandaang matapos tanghalin bilang Miss Universe 2024 ay sa coronation night ng pageant ay itinuring siyang “dark horse” dahil marami ang nasorpresa na siya ang nag-uwi ng korona.

MAKI-BALITA: Bakit ‘dark horse’ ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni Chelsea na muntik na raw pala niyang sukuan ang prestigious beauty pageant.

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, muntik nang sukuan ang MUPH?