Malaking palaisipan para sa mga netizen ang relationship status ngayon ng aktres na si Michelle Madrigal dahil sa ibinahagi niyang video sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Mayo 24.

Sa naturang video kasi ay matutunghayan ang pagkain ni Michelle sa isang restaurant kasama ang umano’y fiance niya.

“Hey y’all. So I took my fiancé to dinner to Hillside Farmacy last night,” saad ni Michelle.

Sabi pa ni Michelle sa huling bahagi ng video: “It was such a memorable evening.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Michelle. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana Ito na sya Mitch, praying for you 🙏🏻"

"Ayan na naman, baka pumili ka na naman ng guapo na iiwan ka lng"

"Awe the ring 💍 🥰"

"Wait.. you’re engaged!!!?! 🙌🏼💍 congrats!"

"Fiancé? 🤭"

"Can’t wait for the “Fiancé”-reveal thing!😍"

"Okay but can we talk about the “Fiancé”? 😍😍 can’t wait for the reveal!!"

Matatandaan na noong Disyembre 2022 ay pabirong binansagan si Michelle bilang “patron saint of dating apps” matapos niyang ipakilala ang special someone na “afam” o foreigner na si Kyle.

MAKI-BALITA: Matapos makakilala ng afam: Michelle Madrigal, binansagang ‘patron saint of dating apps’ ng netizens

Pero noong Mayo 2023 ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang tila cryptic Instagram stories ni Michelle na tila nagpapahiwatig na siya sa jowang afam.

MAKI-BALITA: Michelle Madrigal, may pa-cryptic posts; hiwalay na ba sa ‘jowang’ afam?