Natawa na lang ang social media personality at tinaguriang "motivational speaker" na si Rendon Labador nang sabihin sa kaniya ng binisitang si "Diwata," sikat na social media influencer at may-ari ng Diwata PARES Overload, na dahil sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa negosyo at kasikatan sa socmed, ay nagsisilitawan ang kaniyang mga kamag-anak at bumabalik ang kaniyang mga naging dating karelasyon.
Nagsadya si Rendon kay Diwata matapos siyang ma-inspire at ma-motivate sa ₱100 meal nito na unlimited pares, sabaw, at rice na at talaga namang dinaragsa hindi lamang ng mga karaniwang customer kundi maging celebrities at influencers na gusto siyang i-flex.
"Marami na naglalabasan na kamag-anak mo?" untag ni Rendon.
"Marami na talaga. Hindi lang kamag-anak., pati mga dati kong jowa, bumabalik na rin sa akin," pag-amin ni Diwata na ikinatawa ni Rendon.
Samantala, kinabahan daw si Diwata nang bisitahin siya ni Rendon dahil inakala niyang iba-bash siya nito.
"Kinabahan ako nung nalaman kong pupunta ka kasi akala ko i-ba-bash mo ako," sabi raw ni Diwata sa kaniya.
Pero pinakalma siya ni Rendon at sinabi nitong nagbago na siya.
"Sabi ko nag bago na ako, kaya nga #LabLabLabador na ❤️ Binigyan ko ng isang buong Lechon De Las Piñas si Diwata bilang pasasalamat sa pagiging inspirasyon sa mga kababayan nating gustong mag tagumpay buhay. Supportahan natin si Diwata ?," ani Rendon.
MAKI-BALITA: Rendon Labador, ‘sinugod’ si Diwata
Nanawagan naman si Rendon na suportahan ng mga netizen si Diwata.