Nagbigay ng reaksiyon si “FPJ’s Batang Quiapo” star Yce Navarro sa mga basher na pumuputakti sa kaniya.

Sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” noong Huwebes, Marso 7, tampok ang panayam ng host na si Chaps Manansala kay Yce.

Tinanong kasi siya ni Chaps kung anong masasabi niya sa kaniyang mga detractor. Pero bago sumagot, nag-make face muna si Yce sa camera at saka tumawa.

“Okay,” sabi niya, “wala naman akong magagawa. May opinyon kayo, okay. Unbothered kasi ‘di ko nakikita. ‘Pag nakita ko, iiyak ako.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Para naman sa kaniyang fans: “Thank you sa suporta. Lalo na ‘yong mga Ycesters. May mga nagtanong sa akin kung pwede silang maging official fans club ko. Ang sweet lang na may mga gano’n na pala. Thank you sa suporta.”

Matatandaang isa si Yce sa mga ipinakilalang artista sa inilunsad na 1st anniversary trailer ng nasabing “Batang Quiapo” noong Pebrero 17.

MAKI-BALITA: Anak ni Vhong Navarro, sasabak sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Pero tila hindi naging maganda ang pagtanggap sa kaniya dahil matapos nito ay binakbakan ng ilang netizen ang physical appearance niya.

MAKI-BALITA: ‘Hindi raw kagwapuhan:’ Anak ni Vhong sa ‘Batang Quiapo,’ binakbakan