Magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang Baguio City Police Office para sa Panagbenga Festival, tampok ang grand float parade sa Pebrero 24-25.

“We have already conducted series of simulations with different scenarios as part of the readiness of the police for the two major parades,” pahayag ni Baguio City Police chief, Col. Francis Bulyawan.

Inaasahan na aniya ang pagdagsa ng mga dayuhang turista, bukod pa ang mga lokal mula sa La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Babantayan aniya ng mga pulis ang mga dadaanan ng parada na magsisimula sa Panagbenga Park sa panulukan ng South Drive, Loakan Road at Upper Session Road patungong Session Road, Magsaysay Avenue hanggang sa L-shape overpass sa Centermall.

Dadaan din sa Sunshine supermarket ang parada bago dumiretso sa Harrison Road hanggang Burnham Park.

Nilinaw din ng pulisya na sarado muna sa trapiko ang Burnham Park mula 1:00 ng madaling araw ng Pebrero 24 hanggang Pebrero 25.

 

PNA