Inamin ni rapper-composer Aristotle Pollisco o mas kilala bilang “Gloc 9” na naiinggit daw siya sa mga mas bata sa kaniya.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Enero 14, napag-usapan nina Gloc 9 at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang tungkol sa passion.

Ikinuwento kasi ni Gloc 9 ang humble beginning ng kaniyang career. Bagama’t nagra-rap na raw siya, nagsimula siya noon bilang music researcher.

“Ang trabaho ko kasi as music researcher, magre-research ako ng song na pwede nilang gamitin sa movie, sa TV. E, laging ‘naku mahal ‘yan, naku foreign ‘yan. Hindi ‘ata pwede ‘yan’. Kasi naka-assign ako sa TV and cinema, e,” kuwento ni Gloc 9.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sabi ko, e…’kailangan n’yo po ba talaga?’ I think that time Judy Ann Santos, mayroon siyang eksena na may LBM siya sa mall. So, sabi ko, e ‘di gagawa na lang po akong kanta. Nag-submit ako ng demo. Na-approve nila. Okay din. Raket din for me,” aniya.

Ayon pa kay Gloc 9, nasundan pa raw ang raket na ‘to. Dahil noong gawin ang “Jologs”, siya ang bumuo ng theme song para sa nasabing pelikula. May ilang eksena pa raw doon na ang inilapat na kanta ay siya ang gumawa. 

Kaya ang payo raw ni Gloc 9 sa mga artist na nakakasalimuha niya, huwag bibitawan ang day job.

“Kasi ‘yon ang kakampi mo ‘pag hinahabol mo ‘yong dream mo, e,” paliwanag ng rapper.

“‘Pag hinahabol mo ‘yong passion mo. Kasi hindi naman all the time kikita ka sa passion mo,” dagdag naman ni Toni.

‘Pag iniisip ko nga dati, okay na ako sa ₱500 sa Baguio gig. Magbu-bus ka pa papunta doon. Pero…kasali ‘yon, e,” saad ni Gloc 9.

“‘Yon nga ‘yong depinisyon nila ng passion, e. If you’re willing to do it for free, you know you love it. That is passion,” sabi pa ni Toni.

“Pero naniniwala rin kasi ako na ‘pag bata mo nalaman kung ano talaga ‘yong totoong passion mo mahaba ‘yong—

“Kaya naiinggit ako sa mga bata, e, sa mas bata. Na parang sobrang dami ng chances mo and imposibleng hindi mo tamaan ‘yon, e. Siyempre along the way may mga frustrations ka pero kung mas malaki lagi ‘yong dream mo kumpara sa frustrations mo—”

“Ma-oovercome mo lahat,” agaw ni Toni sa nagsasalitang si Gloc 9.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay inamin naman ng rapper na natakot daw siyang ilabas ang isa sa mga greatest hit niyang kanta.

MAKI-BALITA: Gloc 9, umamin; natakot ilabas ang ‘Sirena’