* Trigger warning: Ang artikulong ito ay naglalaman ng usapin hinggil sa depresyon.

Ibinahagi ni singer-songwriter Ebe Dancel ang pinagdaraanan niyang chronic anxiety at depression.

Sa Facebook post ni Ebe nitong Lunes, Nobyembre 20, ikinuwento niya ang struggle na naranasan niya noong nakaraang gabi bagama’t aminado siyang mahirap ito para sa kaniya.

“On the way to a show, without any trigger whatsoever, it became a struggle to breathe. I passed out in the parking lot. A medic came and checked my heartrate. At my calmest, im 100bpm but it spiked to 134bpm, then eventually to 154bpm,” saad ni Ebe.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I am sharing this story because i am grateful. Management stayed with me the entire time. My bandmates were ever supportive and i spent some time hugging and thanking them all. The crowd cheered and chanted my name when my hands started shaking, urging me on. My girlfriend spent most of the evening messaging me (i couldnt take calls because it was hard to breathe and talk at the same time). She waited patiently until i got home,” aniya.

Dagdag pa niya: “And that is why life is beautiful. Love comes in different forms, and I experienced it all last night. I am home safely and medicated. Huge thank you to Alta Resources, i will make it up to you next year. I held on to this cross the entire time as i said ‘Lead the way, my Lord. I will follow’.”

Sa huli, nakiusap siya sa kaniyang mga tagasubaybay: “Please hug your friends today. Please keep on keeping on.”

Nagbigay naman ng suporta at pampalakas-loob ang mga netizen para kay Ebe. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“You will be healed. Take care, Ebe!”

“Prayers… anxiety is real. You are not alone. Stay well. Hugs and love. Keep singing composing praying. Anen.”

“Yakap with consent, Sir Ebe! 🫂 Mahal ka po namin ❤️”

“Làban lang tayo palagi at Nandyan lang Ang Diyos sa ating tabi idol Ebe Dancel”

“Isang mahigpit na yakap.. andito lang kami para sayo. 🤗🤗🤗🤗🤗”

“You will get better, man!”

Bago mag-solo career, si Ebe ay bahagi ng dating bandang “Sugar Free”. Siya ang tumatayong songwriter at frontman ng nasabing banda. Ilan sa mga nailabas nilang kanta ay “Tulog Na”, “Makita Kang Muli”, “Hari ng Sablay”, “Burnout”, at iba pa.