Nagbahagi si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng isang cryptic post tungkol sa “prinsipyo” nitong Martes, Nobyembre 7.

“Ang importante kasi 'yung prinsipyo. Kung may prinsipyo ka, magkakaintindihan talaga tayo,” ani Duterte sa kaniyang Facebook post.

“Ngayon, kung wala kang prinsipyo sa buhay at basta papayag ka lang just because of pakikisama even if you're doing the wrong thing…do not expect me to clap my hands every time you make a stupid thing there,” saad pa niya.

Courtesy: Dating Pangulong Rodrigo Duterte/FB screengrab

Gonzales, nagbitiw sa PDP-Laban; sinabing si Duterte ang ‘umatake’ sa Kamara

Ang naturang post ni Duterte ay nangyari matapos ang naging sesyon sa Kamara nitong Lunes, Nobyembre 6, kung saan inihayag ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang kaniyang pagbibitiw bilang miyembro ng PDP-Laban bago niya sabihing ang dating pangulo raw ang siyang nagsabi na isang “rotten instituion” ang Kamara.

Sa nasabing sesyon ay nangako naman si House Speaker Martin Romualdez na lalabanan daw niya ang mga naninira sa reputasyon ng kanilang institusyon.

https://balita.net.ph/2023/11/07/titindig-ako-romualdez-nangakong-lalabanan-umaatake-sa-kamara/

Kaugnay nito, matatandaang sinabi ni Duterte kamakailan sa isang panayam ng SMNI sa telebisyon na ang Kongreso umano ang “most rotten institution” sa bansa dahil wala raw “limit” ang “pork barrel” dito.

Sinabi rin ng dating pangulo sa naturang panayam na magde-demand daw siya ng audit kung paano ginastos ni Romualdez ang pondo ng publiko kapag tumakbo raw ito bilang Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

https://balita.net.ph/2023/10/13/ex-pres-rodrigo-duterte-magde-demand-ng-audit-pag-tumakbo-bilang-pangulo-si-romualdez/

Samantala, iginiit naman kamakailan ni Romualdez na in-abolish na umano ng Kamara ang sistema ng “pork barrel.”

https://balita.net.ph/2023/11/04/pork-barrel-system-in-abolish-na-ng-kamara-romualdez/