Sumuko na sa mga awtoridad ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at dalawang umano'y tauhan nito dahil sa kasong direct bribery kamakailan.

Sa report ng BuCor, kabilang sa mga sumurender sina BuCor Armory chief Alex Hizola, Corrections Officer 1 (CO 1) Arcel Acejo Janero, at CO2 Henry Escrupolo.

Nag-ugat ang kaso nang hingan ng ₱6,500 si CO1 Marvin Asoy upang mabigyan ito ng service firearms mula sa BurCor Armory na pinamumunuan ni Hizola.

Nagsabwatan umano ang tatlo upang hingan ng pera si Asoy.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Itinakda ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang piyansang ₱60,000 bawat isa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

PNA