Tatanggalin na ang window hours ng expanded number coding scheme, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Paliwanag ni MMDA Chairperson Romando Artes, aprubado na ang nasabing hakbang nitong Oktubre 6.

Gayunman, hindi pa ito ipinatutupad dahil pinag-aaralan pa ng MMDA ang magiging epekto nito sa publiko.

"We are doing this as advance information para malaman ng ating mga kababayan na mangyayari ito... Ang effectivity na lang ang hinihintay natin," paliwanag naman ni Mettro Manila Council, San Juan Mayor Francis Zamora.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Tatanggalin ang window hours sa mga sumusunod na lugar: C-1 Recto Avenue, C-2 President Quirino Avenue, C-3 Araneta Avenue, C-4 EDSA, C-5, C.P. Garcia Avenue, R-1 Roxas Blvd, R-2 Taft Avenue, R-3 SLEX, R-4 Shaw Boulevard, R-5 Ortigas Avenue, R-6 Magsaysay Boulevard, Aurora Boulevard, R-7 Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, R-8 A. Bonifacio Avenue, R-9 Rizal Avenue, R-10 Anda Circle hanggang Samson Road.

Kasalukuyang ipinatutupad ang number coding simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hannggang 8:00 ng gabi, mula Lunes hannggang Biyernes, hindi kabilang ang weekends at holidays.