Ipinakita na ni “Magandang Buhay” momshie host Melai Cantiveros-Francisco sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Oktubre 15, ang poster ng pagbibidahan niyang K-Drama na pinamagatang “Ma’am Chief”.
“Kagigising ko langga Kamsamiiiii , itu na agad bumungad sa akin , Yes totoo ang balita tuloy na tuloy na kmi papalabas sa November 15 in Cinemas nationwide ???” pahayag ni Melai sa caption ng kaniyang post.
Pinasalamatan niya rin ang mga taong nasa likod ng pagbuo ng nasabing pelikula: “Salamat kaayu @pulpstudiosph lalo na kay Inang Reyna @happeehour my Dreams do come true through prayers and You Inang ?❤️?And you Madam @kringkim and Sir @mr.vernon.go”
“Exxited na kami makita ninyu ang comedy/action na ginawa nmin as in the Best ? with my Co Actors @selamariguia @alorskieee @dustinemayores9 @bernadetteallyson_e @manelsevidal_ @enzo_almario @anakarylle and many more . Im your #MaamChief,” dagdag pa niya.
Bago ito, nauna nang ipasilip ni Melai sa kaniya ring Instagram account ang hitsura ng karakter na gagampanan niya sa nasabing K-Drama.
Matatandaang noong Agosto ay nagbalik-Pilipinas si Melai mula sa South Korea dahil nga umano sa shooting ng “Ma’am Chief”.
https://balita.net.ph/2023/08/04/welcome-home-mga-kamsami-melai-at-pamilya-balik-pinas-na/