Inilantad na sa publiko ni “Magandang Buhay” momshie host Melai Cantiveros-Francisco ang karakter na gagampanan niya sa isang upcoming Korean Drama sa kaniyang Instagram account nitong Martes, Oktubre 10.

“Guys mtagal kona gus2 ishare tu s inyu At itu naaaa mashashare kona sa wakas , papakilala ko lang sarili ko ako si #MaamChief ?‍♀️??at ur service ? Na tinutukoy ko sa post ko na shooting aa Korea and talaga naman Thank you Lord sa @pulpstudiosph sa tiwala sa akin na bumida sa first ever movie ko na shinoot sa ibang bansa "Koreaaaa" Kamsamiiiiiii.” pahayag ni Melai sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang noong Agosto ay nagbalik-Pilipinas si Melai mula sa South Korea dahil nga umano sa shooting ng nasabing film project. Nauna na rin niyang ipinasilip ang ilang behind-the-scenes sa taping.

Sabi pa ni Melai, ang film project umano ay hatid ng Pulp Studios at idinirek ni Kring Kim, isang Philippines' Premier Korean Entertainment MC at Koreanophile.

“Sobrang best blessing ever tu ni Lord s aakin, at simula ngayun maglalabas ako ng mga pics and behind the scene s photo ng mga kasama ko sa Korea , ???????? with Korean Crews and staff and co actors and actresses Amazing ang experience nmin tkagang One for the Books? Or One of the books?? Kayu nalang bahala total matatanda namn na kayu???? Soon "MaamChief " in theaters ??”

Probinsya

Gov. Baricuatro, iniutos four-day work week, 'energy saving measures' sa Cebu

Binati naman si Melai ng mga netizens para sa kaniyang naging achievement. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Congratulations Melai, I am so proud of you. ❤️??”

“Congrats momshie!! Excited na kami sa movie!!! ❤️❤️❤️”

“Haaaayyy Melai I'm so excited for this ,iba Ka talaga , surely this for the book , congratulations Gwapa ?????❤️❤️❤️❤️❤️”

“Grabe excited nako sobrang ano bayan di ko maipaliwanag nararamdaman ko momshie dabest ka nakakaproud momshie mels deserve mopo mag ka movie ng ganyan! Dabest!?♥️”

“Wow!I cannot wait excite na me sa movie nimo am sure sobrang nakakatawa toh.Congrats Dai Melai!?”

“From manifesting in the dressing room to this! Manonood kami Momshie, yay!! ?”

MAKI-BALITA: ‘Welcome home, mga kamsami’ Melai at pamilya, balik-Pinas na! – Balita