Nag-post ng kaniyang public apology ang negosyante, financial expert, book writer, at motivational speaker na si Chinkee Tan matapos niyang magbigay ng repleksyon tungkol sa nakansela nilang trip sa bansang Israel. 

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Palestine. 

Inilabas niya ang apology post noong Oktubre 13 ng gabi. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Mababasa sa kaniyang public apology, "A Sincere Apology and Reflection on My Previous Post."

"I deeply regret my previous post where I expressed insensitivity regarding the cancellation of our trip to Israel. I thank you for calling my attention and I apologize for what may have seemed as a thoughtless response. I am truly sorry for any hurt or offense I caused to those affected by my words. I take full responsibility for my mistake and acknowledge that it was wrong."

"I would like to pray for peace for everyone affected by conflicts, in Israel, in Palestine, and the rest of the world."

Ang pinagmulan ng pamba-bash sa kaniya, sinabi ni Tan sa isang post na may trip sana sila sa Israel subalit hindi natuloy. Mabuti na lamang daw at hindi dahil pumutok na raw ang giyera doon. 

Dahil dito, nakapag-reflect tuloy ang motivational speaker tungkol sa kung paano sila naramdaman ang proteksyon ng Diyos. 

Sey naman ng bashers, napaka-insensitive daw ng kaniyang post, dahil paano naman daw ang mga nasawi at nadamay dahil sa nagaganap na sigalot? 

Pinaalalahanan nila si Tan na bagama't walang masamang intensiyon ang nabanggit na post, maaaring insensitive ito lalo na sa mga direktang apektado ng digmaan. Hindi raw lahat ng naiisip ay dapat pang i-post.