June 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Mission failed! Kawatan nagnakaw ng pitaka, wala palang pera

Mission failed! Kawatan nagnakaw ng pitaka, wala palang pera
Photo courtesy: Screenshot from Balitanghali/IG

Huli sa CCTV ang isang lalaki matapos nakawin ang isang pitaka sa isang sari-sari store sa Guimbal, Iloilo, na wala palang lamang pera.

Sa ulat ng "Balitanghali" ng GMA News, Lunes, Marso 2, makikita sa kopyang CCTV footage na palinga-linga ang lalaki nang pumasok siya sa isang tindahan.

Maya-maya, makikita ang pagdukwang niya at pagkuha sa isang pitaka saka umalis.

Nagkataon daw na wala ang bantay ng nabanggit na tindahan.

Ayon sa may-ari ng pitaka, wala naman daw lamang pera ang nakuha ng kawatan; pawang mga resibo lamang ang laman nito.

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!

Hindi pa sigurado kung magsasampa ng kaukulang kaso ang may-ari ng pitaka subalit naireport na ang insidente sa kinauukulan.