Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa publiko na itigil na ang pagpapalabas ng mga espekulasyon sa gitna ng imbestigasyon sa banggan ng isang oil tanker at isang fishing boat sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc (Panatag Shoal) kamakailan na ikinasawi ng tatlong mangingisdang Pinoy. 

Ikinatwiran ni Bautista, ipaubaya na lamang sa Philippine Coast Guard (PCG) ang imbestigasyon sa insidente na naganap nitong Oktubre 2.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"The DOTr will closely coordinate with the PCG on the next steps following the investigation," anang opisyal.

Aniya, hinihintay din nila ang resulta ng imbestigasyon.

"As protocol, the PCG is collating the statements of the 11 fishers who survived during the collision as part of the investigation," ani Bautista.

Matatandaang lumubog ang sinasakyang FFB Dearyn ng mga mangingisdang Pinoy habang ito ay nakaangkla nang salpukin ng isang crude oil tanker sa Bajo de Masinloc sa Zambales.

Tatlo ang nasawi sa insidente, kabilang ang kapitan ng bangka.

PNA