Puring-puri ni Manay Lolit Solis ang Kapuso actress na si Jillian Ward.

Unang pinuri ni Lolit ang mataas na ratings ng mga teleseryeng ginagawa nito, lalo na ngayon ay pinag-uusapan ang pinagbibidahan niyang teleserye na “Abot Kamay na Pangarap.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Salve talagang hindi ko malimutan na ngayon pala ang lakas ng dating ni Jillian Ward sa televiewers. Lahat pala ng nilalabasan niyang programa ang taas ng rating at talagang pinag aagawan siya ngayon dahil nga sa ipinakita niyang magic sa rating,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post kamakailan.

“Siguro nga talagang time ni Jillian dahil matagal narin naman siyang nasa TV. At magandang nakatalon siya mula sa childstar hanggang sa ngayon medyo pang dalagang lead role. At magaganda ang ginagawa niyang serye na bagay sa kanya kaya naman relate talaga mga fans niya,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng talent manager na kahit walang loveteam si Jillian ay namamayagpag ito sa mga roles na ginagampanan niya.

“She is growing up more beautiful pa as she is growing up. Talagang bound to be another superstar si Jillian Ward kaya naman lahat umaasa pa na lalo siyang sisikat. Bongga Jillian, tuloy tuloy lang iyan, congrats,” ani Lolit.

Mapapanood si Jillian sa “Abot Kamay na Pangarap” ng GMA Network.