Magkakaroon ng book launching at book signing ang premyadong manunulat at Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Famer na si Roberto T. Añonuevo sa kinasasabikang Manila International Book Fair sa Setyembre 14 hanggang 17, 2023, mula 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang kaniyang aklat na "Kriptográpikong Krókis" ng Hinabing Salita Publishing House ang ilulunsad ni Añonuevo.

"Tinátahák ng Kriptográpikong Krókis ang sámot na posibilidád ng pakikipágsapalarán bílang tulâ at kamalayán na maráhil ay ngayón pa lámang matútunghayán sa panulâáng Filipínas," mababasa sa press release ng palimbagan.

"Báwat piyésa ay kaugnáy ngúnit sumásagót kung hindî man tumutúkod sa ibá pang piyésa, na bumúbuô sa épikong kadéna ng mga talinghagàng naglálarô sa kabihasnán, kasaysáyan, kaugalìán, kaisipán, kabalbalán, at kaligirán túngo sa últimong pagtuklás sa saríli, paglikhâ ng daigdíg, at paglampás sa hanggáhang itínakdâ ng espásyo at panahón."

National

VP Sara, iginiit na walang ginagawa si PBBM para sa bayan kaya walang masabi si Usec. Castro

Bukod umano sa book launching ay magkakaroon din ng book signing ang awtor sa mga bibili ng aklat, sa darating na Setyembre 17, 10:00 ng umaga.

"Nasa Aisle 1 Booth 266 po kami sa kabutihan at pangangalaga ng 8 Letters. Limitado lamang po ang bilang ng aklat. Sa halagang ₱600 bilang paunang halaga ay mangyaring idagdag po ang aklat na ito sa inyong koleksiyon," saad ng pamunuan ng palimbagan.