Lungkut-lungkutan ang peg ni Kapuso star Bea Alonzo matapos siyang "iwanan" ng kaniyang boyfriend na si Dominic Roque at magtungo sa London para sa kaniyang hobby at mga kaibigan.

Makikita sa Instagram post ni Bea nitong Lunes, Setyembre 4 ang kaniyang pagka-miss sa jowa.

Ipinakita ni Bea ang video nila ni Dom habang inihahatid ito sa airport at nagbi-video call sila.

"Missing my favorite human a little extra today. He left last week for London for a cross county motorcycle ride with his EM friends. Missing you @dominicroque 😢," mababasa sa caption ni Bea.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Disclaimer ng aktres, "*might delete later, nagpapaka-clingy lang🤣."

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Sa comment section ay makikita naman ang pagkomento rito ng fiance.

"i missss youuu hunnnn," anang Dominic.

Pati ang BeaDom fans, talaga namang affected din sa pagkamiss ni Bea sa kaniyang mahal.

"Naiiyak naman kmi sa inyo..."

"Ilan days pa ba, nakakaiyak pag hindi kayo magksama."

"Dom super naiyak ako."

"Uwi ka na lungkot na si Mommy Bei..."