"I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing." 

Engaged na ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kaniyang nobyong si Dominic Roque. 

Ibinahagi ito ng aktres sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hulyo 19. 

Kuwento ng 35-anyos na aktres, nangyari ang proposal nitong Martes habang nagsho-shoot. Sinabi raw ng photographer na si Mark Nicdao na tumalikod siya, at nang sinunod niya ito, nakita niyang nakaluhod na si Dominic hawak ang isang kahon na may lamang singsing.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sinabi rin ng aktres na marami na siyang nagawang proposal scenes sa buong career niya bilang artista pero wala raw makatatalo sa totoong proposal. 

"You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong! Hahaha, Dom said his speech, and it’s like time stood still," ani Bea.

Tila nag-slow motion daw ang lahat at nakaramdam daw siya na iba't ibang emosyon. 

"Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time—joy, excitement, love," paglalarawan pa ng aktres.

"I started bawling (swipe to see my ugly cry 🤣), But I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. 💍"

Kamakailan lamang sa kaniyang interview sa "Fast Talk with Boy Abunda," nabanggit ni Bea na lagi na nilang napag-uusapan ni Dominic ang pagpapakasal.

“We always talk about it,” ani Bea.

Napag-usapan din nila kung kailan ang posibleng proposal ni Dominic.

“I mean that statement about, ‘antay lang, sandali na lang, mangyayari na ang proposal’. Did you actually ask him na, ano bang ibig mong sabihin,” sundot na tanong pa ni Tito Boy.

“Hindi, pero pabiro lang. Baka doon ka pa mag-propose, kailangan ha maganda ako ako dapat ha, ‘yung mga ganon-ganon lang…,” aniya.

“Kasi may trips kami na inayos na for the year. We're going to Japan, we're going to Madrid, so parang jino-joke ko siya parati na, ‘oh, baka doon ka pa mag-propose ha, dapat alam mo na maganda ako doon sa proposal mo’ mga ganon lang,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang relasyon nina Bea at Dominic noong Enero 2021 at isinapubliko ito noong Agosto 2021. 

Samantala, kaliwa't kanang pagbati naman ang nakuha ng engaged couple mula sa mga kaibigan nila showbiz maging sa netizens.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)