Tila tatapusin na ni Kapamilya star Anne Curtis ang online trend na celebrity passport photo kasunod ng tila walang ka-effort-effort nitong alindog sa latest na entries.

Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Mayo 24, iflinex ni Anne ang kaniyang face profile para sa nasabing travel document.

Youthful pa rin sa edad na 38-anyos ang celebrity mom na agad namang napansin ng mga kaibigan at katrabaho sa showbiz.

“Ilang taon ka dito?” aliw na komento na ng kaibigang si Angelica Panganiban.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Sana all po ❤️😂😍 Miss you Anita!” sey ni Dimples Romana.

Kabilang din sa nakapansin sa glow ni Anne sa larawan ang TV news personality na si Karen Davila, kaniyang kapatid na si Jasmin Curtis, beauty queen na si Nicole Cordoves, at si DJ Chacha, bukod sa maraming iba pa.

Basahin: Anne Curtis, naghahanda na sa pagbabalik-acting – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa viral post, hindi naman nakalimutan ng aktres na i-tag ang kaniyang creative team sa likod ng larawan na binubuo nina Raymond Santiago at Mikka Marcaida.

Makalipas ang higit limang oras, nasa mahigit 66,000 likes na ang inani viral post.