Kontrobersyal ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na ginanap kagabi ng Sabado, Mayo 13 sa SM Mall of Asia Arena sa Bay City, Pasay, Metro Manila.

Una na rito ang pagkakaroon umano ng technical issues sa pagtatantos ng mga puntos kaya mula sa Top 10, naging Top 18 ang mga kandidatong pamimilian para sa Top 5.

Hayag ng isa sa main hosts na si Kapuso actor/Tv host Xian Lim, "To everyone watching here tonight and to everyone watching at home via online streaming, we have an announcement to make. This is gonna make tonight a little interesting. Due to technical issues, we've resulted to manual tallying, which means, our Top 18 candidates will go through the evening gown and compete for the Top 5."

Kaya naman puring-puri ng mga netizen si Xian dahil sa kabila ng mga hindi inaasahang aberya sa live telecast ng event, kalmadong-kalmado lamang ito sa hosting niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Well, batak na batak na si Xian sa hosting sa mga ganitong event, dahil hindi naman ito ang unang beses na mag-host siya ng isang national beauty pageant kaya sanay na siya.

Biro pa nga ng mga netizen, buti na lang daw at isa siya sa mga napiling host, dahil siya ang nagsilbing "tagalinis" ng mga kalat ng naturang event.

Kabaligtaran naman sa kaniyang co-host na si Alden Richards na mala-"Steve Harvey moment" matapos magkamali sa pagbanggit ng winners ng "Miss Friendship."

Ang nabanggit niya kasi ay si Miss Agusan Del Norte, pero ang talaga palang nanalo rito ay si Miss Capiz.

"I stand corrected," ani Alden. "Miss Friendship is Miss Capiz… but (pangalan ni Miss Agusan Del Norte) is our Face of Social Media."

https://twitter.com/MarviniDaw/status/1657353938268749831

Pero in fairness naman ay all-smile pa rin naman si Alden and well-poised, subalit kapansin-pansin ang tila kaunting pag-crack ng kaniyang boses, matapos na magkamali sa kaniyang pagbanggit ng pangalan ng mga nanalo.

Sa kabilang banda, marami pa rin naman ang pumuring fans ni Alden sa kaniyang job well done na hosting alongside with Xian. Ganoon naman daw talaga, nangyayari talaga ang mga hindi inaasahang pangyayari lalo na't live ang event.

Isa pa sa mga pinagtataasan ng kilay ay ang mismong nanalong Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee, lalo na ang pagkakapanalo niya ng Best in Evening Gown. May mas deserving pa raw manalo kaysa sa kaniya sabi ng marami, subalit marami rin ang nagsasabing DEE-serve niya naman ang korona.

Ano't anuman ang nangyari, nairaos naman ang event at si Dee na nga ang kakatawan sa Pinas sa darating na Miss Universe 2023 pageant so let us wish her good luck!