Nahulog na sa kamay ng batas ang isang Amerikano na wanted sa Florida dahil sa kinasasangkutang financial fraud matapos matiktikan sa Palawan kamakailan.

Hawak na ng Bureau of Immigration (BI) si Rick Lee Crosby Jr., 44, matapos mahuli ng mga tauna ng fugitive search unit (FSU) sa Puerto Princesa City nitong Abril 29.

Ayon sa BI, ipade-deport na nila si Crosby sa Estados Unidos at inilagay na rin siya sa immigration blacklist na nagbabawal sa kanya na pumasok sa bansa.

Sa rekord ng Immigration, si Crosby ay matagal nang nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) mula nang ilabas ng 13th Judicial Circuit sa Hillsborough County, Florida ang warrant of arrest sa kasong racketeering, conspiracy to commit racketeering, money laundering, at pagkakasangkot sa financial fraud.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kinansela na rin ng U.S. government ang pasaporte nito. dahil sa pagkakadawit sa mga nasabing kaso.

Philippine News Agency